Thursday, January 31, 2013

KANTA: Maraming Wala

marami akong napanaginipan, pero wala akong maalala;
marami akong napapansin, pero wala akong napuna;
marami akong gawain, pero wala pa akong naumpisahan;
marami akong gustong bilhin, pero wala akong pera!

marami akong nakamit, pero wala akong nailigpit;
marami akong inangkin, pero walang napapasakin;
marami akong napuntahan, pero walang alaalang iniwan;
marami akong gustong bilhin, pero wala akong pera!

marami akong naisip, pero wala akong maisulat;
marami akong nakaplano, pero walang naipatupad;
marami akong hinala, pero walang nagkakatotoo;
marami akong gustong bilhin, pero wala akong pera!

maraming panahon na napagsabihan ko ang sarili
maraming paraan para kumita o magkapera!
pero kung wala kang lakas ng loob,
pero kung wala kang kapal ng mukha,
may marami ka mang gusto, pero wala kang pera
maraming wala ang mangyayari sa'yo!

No comments:

Post a Comment