Nang Dahil sa Tangki ng LPG Cooking Gas
Natuwa naman ako at may nailigpit akong maliit na leaflet ng L-Gas Marketing. Nakasulat doon ang kanilang promotion na nagsasabing “In need of LPG Cooking Gas? We are just A RING AWAY! For quick and free delivery, please DIAL or TEXT!” Matagal ko nang plinanong bumili ng bagong tangki ng LPG nung humiwalay ang kapatid ko sa apartment unit ko, bitbit ang pangkaraniwan naming gamit na tangki ng LPG. Bumili ako pansamantala ng electric stove kaso nasira naman kaagad, tsaka tumaas pa singil ng kuryente ko. Dinayal ko ang numero ng telepono ng tindahan at lalaki ang sumagot, may boses binatilyo. Unang tanong ko, “Nagbibenta po kayo ng tangki ng Gasul?” Ewan ko kung tama ang pagkatanong ko, inisip ko kasi baka palitan lang ng lamang LPG lang talaga ang negosyo nila. “Opo, pero ubos na ang Gasul namin,” sagot ng kabilang linya. At binanggit niyang M-Gas nalang ang meron sila. Binago ko tanong ko, “Pero nagbibenta po kayo ng tangki ng LPG?” at idinugtong ko ang pangalawang tanong, “mga ...