KANTA: Maraming Wala
marami akong napanaginipan, pero wala akong maalala; marami akong napapansin, pero wala akong napuna; marami akong gawain, pero wala pa akong naumpisahan; marami akong gustong bilhin, pero wala akong pera! marami akong nakamit, pero wala akong nailigpit; marami akong inangkin, pero walang napapasakin; marami akong napuntahan, pero walang alaalang iniwan; marami akong gustong bilhin, pero wala akong pera! marami akong naisip, pero wala akong maisulat; marami akong nakaplano, pero walang naipatupad; marami akong hinala, pero walang nagkakatotoo; marami akong gustong bilhin, pero wala akong pera! maraming panahon na napagsabihan ko ang sarili maraming paraan para kumita o magkapera! pero kung wala kang lakas ng loob, pero kung wala kang kapal ng mukha, may marami ka mang gusto, pero wala kang pera maraming wala ang mangyayari sa'yo!