Ang Pagtanda Ay ‘Di Biro
Nabulabog ang umaga ko sa sigawan sa labas ng apartment ko. Akala ko kung sino kaaway ng isang ina dun sa may emergency exit. Lakas ng boses niya, naka-speaker phone din ang kausap niya. Nanghihingi siya ng tulong sa kanyang anak, pera pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Wala daw pambigay ang anak. Kung saan-saan na daw siya sumaklolo, nahihiya na siya sa mga tinutuluyan niya, hindi na daw siya makakagalaw kasi wala siyang pera, wala din siyang mapapasukang trabaho. Gusto niyang makituluyan sa anak niyang kausap niya sa telepono kaso pinagpalit daw siya sa katulong nito. Sinisiraan daw siya sa katulong, kung anu-ano ang sinusumbong sa amo nitong anak niya. "Paalisin mo yang katulong mo at pabalikin mo ako dyaan!" sigaw niya. Galit ito sa halip na magmamakaawa. Binalewala lang ng anak ang mga reklamo, hiling, galit, sigaw, pagmamakaawa ng ina. Ang gulo, ang ingay! Paulit-ulit ang mga sinasabi, paikot-ikot ang usapan. Lahat ng narinig ko galing sa speaker pho...