"Cge na naman plzz. Payag naman ako sa gusto mo. Kailangan ko lang talaga ng pera. Cge na naman. Mamasahiin pa kita. Parang awa mo na plzz." Message sent, tambad ng celpon ko...
Susugalan ko 'to. Kailangan ko talaga ng pera ngayon. Nangungulit na naman ang girlfriend kong mag-date kami. Nakukulitan na ako pero hindi ko kayang tanggihan dahil kababalik lang namin. Due date ko na rin sa buwanang globe plan ko.
Maarte itong baklang 'to. Pero kailangan ko siyang pagbigyan. Siya nalang naiwang kleyente ko. Sabagay, meron pang iba, pero siya ang maayos. May trabaho... at sa tingin ko, maganda ang trabaho niya... at sa palagay ko, malaki sahod niya. May sariling bahay. Napuntahan ko na yon, dalawang beses. Alam ko na pa'no pumunta dun... kahit ayawan niya ako, pwede ko siyang dalawin.
At may itsura. Di ko akalaing may itsura si Cris. Natatawa ako pag naalala ko... iniisip ko kasing pangit siya. Maarte kasi! Nung isang taon ko pa siya kinokontak, panay lang ayaw... wala daw siya, babyahe daw siya, wala daw siyang pera, may boyfriend daw siya. Kung anu-ano nalang ang dinadahilan. "Nag-iinarte, pangit naman!" sinasabi ko sa sarili ko. Pare-pareho kasi lahat ng naghahanap ng Serbis. Sila 'yong mga walang pumapatol dahil pangit... kung 'di man masyadong pangit pero mataba,malaking mama, matanda.
Isang gabi, Pebrero nun, tumunog Samsung Galaxy S4 ko. May mensahe, galing pala kay Cris. "Helo MJ, pwd k b bukas ng gabi? My ipapagalaw ak s 'yo... kaibigan ko & bago p nyang ntanggap pgkabakla nya. Gus2 ko ipatikim mo sa knya ang sarap ng lalaki." Siguro inisip niyang pangit ako kaya ayaw niyang siya ang pagalaw. Sira ulo siya! May itsura rin naman ako. Alam ko, dahil maraming nagsasabi.
Sa SM North Edsa daw kami magkikita. Tineks ko siya na nasa mall na ako bago pa lang pumasok ang sinakyan kong bus sa babaan. Sagot ba naman sa akin, "basta por handred ha?" Siguristang bakla! Mababa nga yon eh. Siguro sa parlor to nagtatrabaho... o kaya mananahi... o retired na walang ipon... o walang trabaho. Estudyante? Ewan! Matawagan na nga... "Saan 'yang KFC na sinabi mo? Dito na ako sa loob ng mall. Lalabas ako? Saan ba yang d block na yan? Papasok ako sa gitna? Di ko alam yan! Sige, sunduin mo nalang ako dito sa Pollo Loco. Naka-tshirt akong orange."
Alam kong siya na 'tong papalapit at nakatitig sa akin. Naka-longslib 'to, formal... bagay sa kanya. May itsura pala. "MJ?" bungad niyang tanong, "naku umayaw ang kaibigan ko. Natakot yata! Pa'no yan?" kwento niya. Sus, maniwala! Gawa-gawa lang siguro niya kasi akala niya pangit ako at ayawan niya kung saka-sakali.
Pero paano nga kung totoong umayaw? Uuwi ako ng Pasay ng walang kinikita? Gumastos na ako ng pamasahe para makarating dito... ang layo pa naman! Singwenta pesos ang pamasahe kaya, mahal! "E, di ikaw nalang," alok ko. Ok siya, tinitigan ko eh... malinis naman din siya... bata pa. Pinapatolan ko nga walang itsura, matatanda, mababaho... Basta may pera! Mukha rin naman siyang may pera.
"Ok lang sa 'yo?" tanong niya pa. Tango ko naman. "Lika," yaya niya sa akin. Sinundan ko siyang palabas ng mall at pumila sa pilahan ng dyip.
Dumaan ang tatlumpong minuto na byahe ng dyip. Magkatabi kami sa pag-upo pero walang imikan maliban sa paminsan-minsang ngiti. Nahiya rin naman akong magkwento. Baka nahiya rin sya. O baka takot syang mapansin kami ng mga kasabayan namin sa dyip.
"Sa me Manggahan overpass lang po, Ma, " sabi niya sa drayber.
Pinauna ko siya sa pagbaba. Sinabayan ko siya sa pagtawid ng tulay. Ibig sabihin sa kabila pa. Senyas niya sa pilahan ng traysikel. Ibig sabihin malayo pa pala at sasakay pa ulit kami. "Malapit na lang," sagot niya sa iniisip kong tanong.
Bumaba kami sa may geyt papasok sa madaming lumang gusali. Sinundan ko lang din siya nang pumasok sa isang gusali tapos sa susunod. Umakyat kami ng tatlong palapag at ang pintuan sa may bandang emergensi eksit ang sinusian niya. Di ko natandaan ang daan na 'to nung unang pagkakataon.
"Magkano upa mo rito?" tanong ko.
"Wala. Akin 'to." Ok to! May sariling tirahan. Hindi naman magara pero hindi nakakahiya at di rin nakakailang.
"Sino kasama mo?"
"Ako lang. Minsan bumibisita kapatid ko." Mas ok to!
Iniwan niya ako sa sala, pagkatapos magkikilanlan at maghapunan. Pinag-internet niya ako; meron kasi siyang wifi. Masarap tumambay rito at nagamit ko nang lubos ang bago kong Galaxy pon.
Di ko namalayan, mag-aalas onse na pala nung tinawag niya ako sa kwarto. Nakapagligo na pala siya. Nagmamadali akong pumasok ng banyo para maghugas ng buong katawan. Nasa kama na si Cris nung nadatnan ko at nakaramdam ako ng kaba. Sabi ko sa sarili kong madali lang to, lagi ko nang ginagawa ko. Inisip kong mabilis lang to... At tinabihan ko siya sa malambot niyang kama.
"Sige na, paligayahin mo na ako," aniya, sabay hatak ng ulo ko papuntang dibdib niya.
"Uy, ibang klase pala trip mo!" sabi ko sa kanya habang nakapatong ako sa kanya.
"Kala ko kaya mong gawin lahat?"
Dito ako lalong kinabahan. Kala ko kasi tulad siya ng karamihan na ako ang ginagalaw nila... katawan ko ang sinamantala nila. Pero pera ang habol ko... pera niya. Sa ganitong paraan lang ang alam kong mabilis kumita. "Ok. Pahingi pamunas." Bumangon siya at isang sandali pa'y inabot niya na sa akin ang puting labakara.
Inumpisahan kong dilaan ang utong niya sa kaliwa... tumatalikwas at nanunulak siya. "Makiliti ako!" bunyag niya sabay tulak ng ulo ko pababa. Ok na rin to at hindi ako masyadong mapagod. Buti at ayaw niya ng porpley. Tiisin ko nalang ang sikmura ko. May pamunas naman... para di niya mapansing naduduwal ako sa ginagawa ko. Ganito rin pinagawa niya at ginagawa ko sa kanya nung ikalawang beses nang aming pagtagpo.
Pangatlong beses ngayon. Kailangan ko siya... ang pera niya, ang ibig kong sabihin. "Titirahin kita, ok lang sau?" sagot niyang teks sa akin.
Wala akong ibang maisip na gawin para magkapera. Wala akong ibang mapupuntahan. Wala na akong kontak sa dati kong mga siniserbisyohan. Ni minsan di pa nila ako tinanong ng ganun. Masakit daw yong ganun kasi. Hindi ko pa nasubukang ibigay ang ganung serbisyo.
Sa kay Cris pa lang.

No comments:
Post a Comment