Natuwa naman ako at may nailigpit akong maliit na leaflet ng L-Gas Marketing. Nakasulat doon ang kanilang promotion na nagsasabing “In need of LPG Cooking Gas? We are just A RING AWAY! For quick and free delivery, please DIAL or TEXT!”
Matagal ko nang plinanong bumili ng bagong tangki ng LPG nung humiwalay ang kapatid ko sa apartment unit ko, bitbit ang pangkaraniwan naming gamit na tangki ng LPG. Bumili ako pansamantala ng electric stove kaso nasira naman kaagad, tsaka tumaas pa singil ng kuryente ko.
Dinayal ko ang numero ng telepono ng tindahan at lalaki ang sumagot, may boses binatilyo. Unang tanong ko, “Nagbibenta po kayo ng tangki ng Gasul?” Ewan ko kung tama ang pagkatanong ko, inisip ko kasi baka palitan lang ng lamang LPG lang talaga ang negosyo nila. “Opo, pero ubos na ang Gasul namin,” sagot ng kabilang linya. At binanggit niyang M-Gas nalang ang meron sila.
Binago ko tanong ko, “Pero nagbibenta po kayo ng tangki ng LPG?” at idinugtong ko ang pangalawang tanong, “mga magkano kaya ang tangki na me laman?” Ang bilis ng sagot niya, “Mahal yon!” Aba! Pumintig ang tenga ko, sarap sagutin “Ikaw ba bibili!?” pero ayokong magalit at masira ang bungad ng araw ko. “Mga magkano nga?” tanong ko na lang. “Mga 2,000 plus yun,” sabi ng binatilyo.
Ang natutunan ko sa nangyari ay huwag sa delivery boy makipag-usap patungkol sa bilihan. Iba nga lang ang dating sa akin na mamimili ang pag-deklara na mahal ang presyo, na para bang “mahal ito, di mo kaya!”
Kinabukasan tinawagan ko ulit ang tindahan at nakausap ko sa wakas ang may-ari. “Meron kaming Gasul, Ma’am,” sabi nito, “2,750 pesos ang isang tangking may laman at 750 pesos naman ang regulator.” Doon ko pa nalaman na ibang bagay pala ang regulator ng tangki ng LPG. Ito ang inaasahan kong pakikitungo ng isang negosyante, iyong nagtitinda, nang-iingganyo. “Bigyan kita ng diskwento, Ma’am,” dagdag nito. Sinabi niya pang bisaya daw siya at kababayan ko siya, nagkakaintindihan kami. Tawagin ko na lang daw siyang si Nestor. “Sige, punta ako d’yan at hanapin kita,” sagot ko.
May problema ako ngayon… Kapag nagpakita ako sa kanya, paano ko sasabihin ako ang kausap niya sa telepono. Kapag nakita niya akong macho at gwapo, paano ko sasabihin sa kanyang ako iyong tinawag niyang “Ma’am” sa telepono. Kapag malaman niya nang lalaki ako, paano ko makukuha ang diskwentong ipinangako niya sa akin?
Ang natutunan ko sa pangyayaring ito ay i-modulate dapat ang boses ko. Pero parang hindi dapat. Ang naunawaan ko ay talagang babae ang boses ko sa telepono at ang hindi nakakakilala sa akin ay mag-aakalang babae ang kausap nila. Kaya napag-desisyonan kong gamitin ang kapatid kong babae para makipag-negosasyon kay Nestor at itukoy akong ako ang magbabayad at ang kukuha ng produkto.
Nang dahil lamang sa tangki ng LPG cooking gas, ako ay napagod sa kaiisip ng kung anu-ano…

No comments:
Post a Comment